DOH, nagpaalala sa mga organizer ng community pantries na makipag-coordinate sa LGUs

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga indibidwal na planong magtayo ng community pantries na makipag-coordinate muna sa kanilang Local Government Units (LGUs) para matiyak na masusunod ang health protocols.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang community pantries ay maaring maging superspreader ng COVID-19.

Kaya mahalagang organisado at maayos ang pagpapatupad ng mga ganitong inisyatibo.


Hindi sila kontra sa mga ganitong aktibidad dahil nakakatulong ito sa mga kababayang naghihirap ngayong pandemya.

Dapat lamang na tiyakin na masusunod ang health protocols upang wala sa mga pupunta ang magkakasakit.

Facebook Comments