DOH, nagpaalala sa paggamit ng ilang pampaingay sa Bagong Taon

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa paggamit ng ilang pampaingay ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo – kahit na mas ligtas ang mga torotot, may panganib pa ring idinudulot ito o choking hazard.

Maari aniya kasing malunok ang pito nito.


Pinapayuhan din ni Domingo ang mga magulang na ilayo ang mga bata sa paggamit ng ilegal na paputok lalo at pwedeng malunok ang mga kemikal nito.

Dagdag ni Domingo – kapag nakalunok ang bata ng kemikal mula sa paputok at kailangang idala agad ito sa ospital para mapainuman ng hindi bababa sa anim na egg white.

Sa huling datos ng DOH, umakyat na sa 40 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok simula nitong December 21.

Mula sa nasabing bilang, dalawang kaso ay fireworks ingestion, 27 dito ang nasabugan, 4 sa mga ito ay blast with amputation.

Nasa 13 ang nagtamo ng eye injury.

Nangunguna pa rin sa sanhi ng mga aksindenteng ito ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, kwitis, piccolo at triangle.

Facebook Comments