Job vacancies, inaasahang lolobo sa pagpasok ng 2019

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na muling dadami ang job vacancies pagdating Enero 2019.

Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay – mababa ang job posting dahil patapos na ang taon.

Pero pagsapit ng Bagong Taon ay inaasahang maraming oportunidad ang bubuksan para sa mga naghahanap ng trabaho.


Dagdag pa ni Tutay – mainam na panahon ang holiday season para maghanap ng mga trabahong nais aplayan.

Kung problema naman ang job experience, maaring subukan ang government internship program sa susunod na taon.

Payo ng DOLE sa mga aplikante, pinaghahandaan na dapat ang mga requirements para sa pagdating ng susunod na buwan ay maumpisahan na ang registration sa DOLE-regional at field offices.

Para sa iba pang impormasyon para sa government internship program, maaring bisitahin ang website: ble.dole.gov.ph.

Facebook Comments