Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) hinggil sa mabagal umanong pagkaka-anunsyo ng ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang monkeypox ay isang sakit na tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang isang public health emergency of international concern.
Ibig sabihin ay dapat sumailalim ito sa masusing berepikasyon bago ito ipabatid sa publiko at may sinusunod na batas at proseso na umiiral hinggil dito
Dagdag pa ni Vergeire, kailangan munang idaan sa central office ng DOH ang naitatalang kaso ng sakit upang hindi magkaroon ng kalituhan ang publiko.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng DOH ang pagkalat ng litrato ng isang monkeypox patient sa social media.
Facebook Comments