Friday, March 6, 2026

PNP, hinikayat ang 2 pang kasama ng 19 na taong gulang na maritime student na nasawi sa Cavite dahil sa hazing na makipagtulungan sa awtoridad

Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang 2 pang kasama ng 19 na taong gulang na maritime student na nasawi sa Cavite dahil sa hazing na makipagtulungan na sa mga awtoridad.

Nanawagan si PNP Chief PIO PBGen. Randulf Tuaño na lumantad na ang mga ito para magbigay ng kanilang sariling bersyon patungkol sa nasabing insidente.

Nabatid na nasa kabuuang 21 indidbwal ang tinitingnan ngayon ng pulisya kung saan ang 9 rito ay may direktang partisipasyon sa nasabing insidente at ang 12 rito ay persons of interest.

Ang driver naman ng sasakyang ginamit sa pagdala sa ospital sa biktima ay sumuko na rin sa awtoridad at in-inquest na rin ngayong umaga ayon sa Cavite Police.

Facebook Comments