Suportado ng mga child health expert ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan nang makalabas ang mga batang edad lima pataas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na apektado na ng pandemya at lockdown ang physical at mental development ng mga bata.
Pero, paglilinaw ni Vergeire, desisyon pa rin ng mga Local Government Unit (LGU) kung paano nila ipapatupad ito.
Anumang araw ngayong linggo ay nakatakdang magpalabas ang Metro Manila Council (MMC) ng karagdagang guidelines para sa paglabas ng mga batang edad limang taong gulang pataas.
Facebook Comments