DOH, nagpaliwanag sa nakitang butas ng COA sa paggamit nito ng COVID funds

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na accounted ang ₱67.3 billion na COVID-19 funds ng DOH.

Sagot ito ng DOH sa nakita ng Commission on Audit (COA) na butas sa paggamit ng health department sa nasabing pondo.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, wala siyang ibinulsa mula sa nasabing pondo at sa halip ay ginamit aniya ito sa taongbayan.


Bahagi rin aniya ng pondo ay ginamit sa pagbili ng COVID test kits, Personal Protective Equipments (PPEs), at sa benepisyo at sweldo ng medical frontliners.

Sinabi pa ni Duque na bukas ang kanilang tanggapan at handa silang ipakita sa taongbayan na tama ang pinagkagastusan ng DOH sa buwis na binabayad ng mga Pilipino.

Facebook Comments