Pinaiimbestigahan na ng Department of Health (DOH) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang report ng iligal na pagbebenta ng COVID-19 drug na Tocilizumab.
Kasunod na rin ito ng pagkaka-aresto ng apat na indibidwal na sinasabing supplier ng Tocilizumab.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, duda siya na posibleng peke at counterfeit ang Tocilizumab na ibinibenta sa black market dahil nagkaka-ubusan na aniya sa ngayon ang suplay ng naturang gamot sa buong mundo.
Nabatid na nasa P25,000 lamang dapat ang bawat bote ng gamot pero sa bentahan sa labas ay umaabot ito ng P80,000.
Bukod dito, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa Switzerland kung saan ginagawa ang naturang gamot.
Facebook Comments