DOH, nagsagawa na ng ocular inspection sa PICC isolation facilities

Maaari nang gamitin ngayong linggong ito ang Philippine International Convention Center (PICC) hall na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang isolation facilities para sa COVID-19 patients

Patuloy pa ang disinfection ngayon sa pasilidad na pagdadalhan ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 patients.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Quarantine Facilities Head Col. Glenn Torres, may mga gagawin pang karadagang pagsasa-ayos ang DPWH sa loob ng facilities kung saan mayroon 294 na kama na gagamitin ng COVID-19 patients.


Tumanggi naman magpahayag ang kinatawan ng DOH sa ginawang ocular inspection sa bagong isolation facilities dahil hurisdiksyon anila ng PNP ang pangangasiwa sa pasilidad.

Hihintayin na lamang anila ng DOH ang go signal ng PNP kung kailan pwedeng gamitin sa mga pasyente ang bagong facilities.

Ang bagong isolation facilities na itinayo ng DPWH ay may anim na malalaking nurse station, may centralized air-conditioning unit at maaring mag-accommodate ang 294 COVID-19 patients.

Facebook Comments