Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health sa pagkalason ng tatlong daang mga residente ng Rizal, Laguna matapos uminom ng lambanog.
Kasabay nito, nanawagan ang DOH sa publiko na iwasan munang uminom ng lambanog.
Makailang beses na rin anilang nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko na mag-ingat sa pag-inom ng lambanog dahil sa mataas na methanol content nito.
Bukod sa Philippine General Hospital, dinala rin ang iba pang mga biktima ng lambanog poisoning sa East Avenue Medical Center, Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center at Batangas Medical Center.
Facebook Comments