DOH, nais nang masimulan sa susunod na linggo ang pamamahagi ng COVID allowance sa healthcare workers

Humihirit ang Department of Health (DOH) sa budget department para maipamahagi na sa susunod na linggo ang Special Risk Allowance (SRA) para sa healthcare workers.

Partikular na tinukoy ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire ang ₱1.04 billion na COVID-19 allowance ng healthcare workers.

Una nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang special allotment release order upang ma-down load sa Department of Health ang ₱1.04 billion para sa SRA ng public and private health workers na naging bahagi ng COVID-19 health care response.


Sila ay tatanggap ng tig-₱5,000 bawat buwan sa kanilang serbisyo noong panahon na nasa ilalim ng state of national emergency ang bansa.

Ang pag-release ng nasabing pondo ay base sa inaprubahan na Bayanihan to Recover as One Act noong Duterte administrasyon.

Facebook Comments