COA Chairperson Jose Calida, nagbitiw na rin sa pwesto

254

Bumaba na sa kaniyang pwesto si Commission on Audit (COA) Chairperson Jose Calida ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa panayam sa Malacañang.

Aniya, hintayin na lamang daw si Calida na magbigay ng paliwanag nang kaniyang pagbibitiw sa pwesto.


Sa ngayon, naghahanap na ang Malacañang ng magiging bagong chairperson ng COA.

Si Calida ay kabilang sa mga hindi nire-appoint ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos na ma-bypassed sa Senate Commission on Appointments kamakailan.

Facebook Comments