DOH, naka-alerto ukol sa misteryosong sakit mula sa China  

Ipinag-utos ng Dept. of Health (DOH) sa Bureau of Quarantine na maging alerto sa mga pantalan at paliparan kaugnay sa misteryosong sakit mula sa China.

Ang nasabing misteryosong sakit ay mahahalintulad sa viral pneumonia kung saan higit 40 indibidwal sa China ang tinamaan nito.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, inaabisuhan niya ang Bureau of Quarantine na paigtingin ang pagbabantay sa mga pasaherong papasok sa bansa.


Partikular aniya na pinatututukan ni Duque ang mga pasaherong may lagnat at may respiratory infections.

Hinikayat ng DOH ang publiko na may history travel sa China at nakaranas ng simtomas gaya ng trangkaso na agad magpakonsulta sa doktor.

Facebook Comments