Manila, Philippines – Nakahanda na ang Department of Health (DOH) na tumugon sa anumang mangyayaring untoward incident sa kasabay ng kapistahan ng Poong Nazareno sa Miyerkules, January 9.
Ayon kay DOH-NCR Epidemiology and Health Emergency Cluster Head Dr. Patrick Co – nakaalerto na ang iba’t-ibang ospital sa Maynila sa mga posibleng emergency cases.
May mga itatalagang medical teams din sa iba’t-ibang DOH hospitals.
Magpapakalat naman ng 14 emergency health teams sa iba’t-ibang bahagi ng ruta ng prusisyon.
Ayon sa mga opisyal ng simbahan ng Quiapo, tinatayang aabot sa limang milyong deboto ang sasali sa taunang Traslacion.
Facebook Comments