Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakakapagtala na sila ng 1,798 na mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw ngayong linggo.
Ito ay mula sa 1,400 na kaso kada araw sa nakalipas na linggo.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ito ay katumbas ng pagtaas ng 28%.
Sa kabila nito, nanindigan ang DOH na 96% sa mga bagong COVID-19 cases ay mild and moderate cases lamang.
Nilinaw rin ni Vergeire na ang mga na-o-ospital lamang ngayon ay ang mga pasyenteng may ibang karamdaman o ‘di kaya ay manganganak kung saan nagpopositibo sila kapag sinasailalim sa COVID test sa mga ospital.
Facebook Comments