DOH, nakapagtala lamang ng 23 COVID-19 recoveries ngayong araw

36

23 lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

1,690 naman ang bagong kaso at ang bagong binawian ng buhay ay 52.


Umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 538,995.

Bumaba naman ang aktibong kaso sa 27,992 o 5.2%.

Ang total recoveries naman ngayon ay 499,772 o 92.7% at ang total deaths ay 11,231 o 2.08%.

Samantala, 22 na mga Pinoy sa abroad ang bagong na-infect ng virus habang 25 naman ang bagong gumaling.




Wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs na panibagong Pinoy na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Ang total COVID-19 cases na sa hanay ng overseas Filipinos ay 14,491 habang ang total recoveries ay 9,140.

Ang aktibong kaso naman ay 4,397 at ang total deaths ay nananatili sa 954.

Facebook Comments