DOH, nakapagtala na ng 11 firecracker related injuries ilang araw bago ang 2022

Ilang araw bago ang pagpapalit ng taon ay nakapagtala na agad ang Department of Health ng mga fireworks-related injuries.

Hanggang kahapon ng umaga, umabot na sa 11 ang fireworks-related injuries na katulad din sa naitala sa kaparehong panahon noong 2020.

Paglilinaw naman ng DOH, walang naitalang nasawi sa mga insidente at wala ring tinamaan ng mga ligaw na bala.


Lima sa naturang mga kaso ang naputukan o nagtamo ng sunog na kinailangang putulin ang parte ng katawan.

Habang lima rin ang may kaparehong injury pero hindi naman kinailangan ng amputation at isa ang nagkaroon ng injury sa mata.

Kabilang sa mga paputok na naging dahilan ng mga kaso ang Boga, Piccolo, Fivestar, Benggala, Triangle at Whistle Bomb.

Ang mga ito ay naitala sa BARMM, Cagayan Valley, Western Visayas, Central Visayas, Ilocos Region at Bicol Region.

Facebook Comments