DOH, nakapagtala na ng 11 nasawi sa 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental noong nakaraang linggo

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng labing isang nasawi sa 6.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental noong nakaraang linggo.

Ayon sa DOH, ang mga namatay sa lindol ay ang mga nabagsakan ng debris at pader batay sa report ng kanilang Emergency and Management Bureau.

Bukod dito, may 41 pasyente pang nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan at kasalukuyang nasa pagamutan.


Hanggang ngayong hapon, umabot sa 742 ang casualties o nasugatan kung saan 689 ang mga outpatient.

Nakapagbigay na rin ng Mental Health and Psychosocial Support ang DOH sa mga estudyante at kanilang pamilya sa tulong ng Department of Education.

Nagpapatuloy naman ang assessment sa mga gusali at pasilidad ng DOH sa Region 12 pero lahat naman ng mga ito ay kasalukuyang nagagamit para magbigay ng serbisyo sa mga apektado ng kalamidad.

Facebook Comments