Natukoy ng Department of Health (DOH) ang nasa 1,107 clusters ng COVID-19 cases sa buong bansa.
Batay sa monitoring ng DOH, ang mga sumusunod na lugar ay nakitaan ng clustering ng COVID-19 cases:
Metro Manila = 17 clusters
Region 4A = 17 clusters
Region 5 = 13 clusters
Region 7 = 4 clusters
Region 9 = 4 clusters
Region 2 = 4 clusters
Region 3 = 3 clusters
Region 6 = 3 clusters
Region 10 = 2 clusters
Eastern Visayas = 2 clusters
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ilalim ng clustering ay nagkakaroon ng pagkukumpol ng kaso ng COVID-19 sa isang partikular na lugar.
Nakipag-ugnayan na ang DOH sa 17 barangays tungkol sa active case finding initiative na Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE).
Ang CODE ay inilunsad matapos manawagan ang medical community ng dalawang linggong ‘time-out’ para mapigilan ang COVID-19 transmission.