Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,263 bagong kaso ng COVID-19 noong katapusan ng Abril.
Pinakamarami o 563 dito ay naitala sa Metro Manila, 104 sa Cavite at 82 sa Rizal.
Umakyat naman sa 5,875 ang active cases o patuloy na nagpapagaling.
Nasa 458 ang new recoveries habang walang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.
Umakyat na sa 15.2% ang positivity rate ng bansa o porsiyento ng mga nagpopositibo sa kabuuang bilang ng sumasalang sa COVID-19 tests.
Habang sumipa na rin sa 17.2% ang seven-day positivity rate sa NCR as of April 29 mula sa 10.2% noong April 22.
Wala pang inilalabas na datos ang DOH hinggil sa bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kahapon, May 1.
Facebook Comments