DOH, nakapagtala ng 1,400 na bagong COVID-19 cases sa bansa

70

Umaabot na ngayon sa 442,785 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 1,400 na bagong kaso ngayong araw.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 25,325 o 5.7%.

Karamihan sa mga bagong kaso ay naitala mula sa Benguet, Davao City, Quezon City, Rizal at Laguna.


139 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 408,790 o 92.3%.

98 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 8,670 o 1.96%.

Ang mild cases naman ay 84.8%.



Ang asymptomatic ay 6.6%, 5.5% naman ang critical habang ang severe cases ay 2.8% at ang moderate ay 0.32%.

Facebook Comments