DOH, nakapagtala ng 175 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon; aktibong kaso, bumaba sa 4,305

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 175 na panibagong kaso ng COVID-19 kahapon, May 7.

Dahil dito, umakyat na sa 3,686,868 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Nanguna ang National Capital Region (NCR) sa nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo na aabot sa 1,046 na sinundan ng CALABARZON na 325 at Central Luzon na 236.


Samantala, umakyat lalo sa 3,622,124 ang bilang ng gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 387 na bagong gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, bumaba lalo sa 4,305 ang COVID-19 active cases sa bansa.

Good news naman dahil walang naitalang bagong kaso ng namatay sa virus dahilan para manatili sa 60,439 ang total COVID-19 related deaths sa bansa.

Facebook Comments