Ilang pasahero, nagdagsaan sa PITX upang makaboto sa kani-kanilang probinsya ngayong halalan

Nagdagsaan ang ilang pasahero sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang makabiyahe sa kani-kanilang probinsya upang makaboto sa araw ng halalan sa May 9.

Ngunit tanging mga pasaherong maagang naka-secure ng kanilang tickets nang maaga ang nakakuha ng pagkakataong makabalik ng probinsya.

Ito ay dahil sa ilang destinasyon ay fully booked na.


Dagdag pa nito, binayaran ang ilang bus upang magamit sa mga political campaign rallies partikular ang miting de avance na siyang ginanap sa ilang bahagi ng bansa kagabi.

Nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng PITX sa mga bus companies upang matugunan ang pagdami ng pasahero sa kanilang terminal.

Facebook Comments