DOH, nakapagtala ng 287 na bagong kaso ng COVID-19

Umakyat na sa 3,692,617 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 287 na bagong kaso kahapon.

Dahil diyan, umakyat na sa 2,697 ang binabantayang aktibong kaso ng virus mula sa 2,529 noong Huwebes.

Nasa 3,629,459 naman ang gumaling na sa sakit habang nasa 60,461 ang nasawi dahil dito.


Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa pinakaraming naitalang kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo na 1,292, sinundan naman ito ng CALABARZON na 373 at sumunod dito ang Central Luzon na may 226.

Batay naman sa update ng DOH as of June 9, 2022, nasa 18,300 indibidwal ang sumailalim sa COVID-19 test mula sa 323 testing laboratories.

Facebook Comments