DOH, nakapagtala ng 288 na panibagong kaso ngayong araw

Nakapagtala ng 288 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong mataas kumpara sa 261 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2,837,903 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 9,251 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 270 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,777,671 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 50,981 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 65 ngayong araw.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 21 at labing isang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments