DOH, nakapagtala ng 3,050 bagong kaso ng COVID-19 ngayong Linggo

Nakapagtala pa ngayong araw ang Department of Health ng 3,050 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa 3,637,280 ang total COVID-19 cases sa bansa at bumaba naman sa 81,394 ang aktibong kaso.

Nadagdagan din ng 5,811 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 para sa kabuuang 3,500,956 recoveries.


Samantala, walang naitalang pumanaw ngayong araw kung kaya’t nananatili sa 54,930 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Dalawang laboratoryo ang hindi nakapagbigay ng datos sa COVID-19 Document Repository System ayon sa DOH.

Facebook Comments