DOH, nakapagtala ng 310 na panibagong kaso ngayong araw

Nakapagtala ng 310 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 288 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2, 838, 032 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 9,321 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 227 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,777,661 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 51,050 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 69 ngayong araw.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 22 at limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments