Ilang noche buena products, humabol sa taas-presyo bago ang kapaskuhan

Humabol sa taas-presyo ang ilang produktong pang noche buena bago ang araw ng Pasko.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association Incorporated President, Steven Cua, kabilang dito ang pasta, spaghetti packs, pancit canton, kape, at maging ang hamon.

Nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa presyo ng manok habang ang alak naman ay karaniwan nang tumataas ang presyo tuwing Enero.


Sa kabila nito, wala namang paggalaw sa presyo ng all-purpose cream, fruit cocktail, gatas, keso, at mga de lata.

Samantala, dagsa naman ang mga mamimili sa ilang mga pamilihan para humabol sa pamimili ilang oras bago ang Pasko.

Facebook Comments