DOH, nakapagtala ng 467 na karagdagang kaso ng Omicron subvariants

Nakapagtala ang Department of Health ng 467 na karagdagang kaso ng Omicron subvariants sa bansa mula sa pinakahuling sequencing result mula September 5 hanggang 7.

Sa datos na inilabas ng ahensya, 425 sa mga kaso ay BA.5 Omicron subvariant kung saan pinakamarami o 214 dito ay mula sa Western Visayas.

Nasa 146 naman ang naitala sa Davao Region; 21 sa SOCCSKSARGEN; 19 sa Calabarzon; 9 sa National Capital Region; 7 sa Central Visayas; 5 sa Central Luzon; 2 sa Northern Mindanao at tig-isa sa Caraga at BARMM.


Nakapagtala rin ang ahensya ng sampung bagong kaso ng BA.4 habang isang indibidwal mula sa Davao Region ang nagpositibo sa BA.2.75.

Una nang idinagdag ng World Health Organization sa monitoring list nito noong Marso ang BA.4 at BA.5 Omicron subvariants at itinalagang variants of concern ng European Center for Disease Prevention and Control.

Facebook Comments