50 OFWs na biktima ng illegal recruitment, na-rescue ng Philippine Embassy sa Cambodia

71
Courtesy of DFA

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Phnom Penh na 50 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Cambodia ang kanilang nasagip.

Ang naturang OFWs ay pawang biktima ng illegal recruitment.

Partikular na ginamit ang naturang mga Pinoy sa online scamming at catfishing activity sa Cambodia.


Nagbabala naman ang Philippine Embassy at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na huwag basta-basta tatanggap ng online job offers na nangangako ng malaking kita.

Dapat din muna nilang i-verify ang tunay na detalye ng mga kompanyang nag-aalok sa kanila ng trabaho

Facebook Comments