DOH, nakapagtala ng 5 lamang na binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

Lima lamang ang bagong naitala ng Department of Health (DOH) na mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, ang total deaths na sa bansa ay 9,253 o 1.94%.

1,097 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 476,916.


Ang aktibong kaso naman ay 27,721 o 5.8%.

47 lamang din ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 439,942 o 92.2%.

Nangunguna ang Davao del Norte sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Davao City, Laguna, Batangas at Cavite.

Facebook Comments