Kinurmpirma ng Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (UP-NIH) na naka-detect sila ng bagong 52 kaso ng South African variant o B.1.351 variant gayundin ng 31 bagong kaso ng UK variant o B.1.1.7 variant at 42 karagdagang kaso ng mutations.
Ito ay mula sa ika-9th batch ng 350 samples na isinailalim sa genome sequencing ng UP-PGC.
Ang naturang samples ay nakolekta mula sa NCR, Region 7, at sa Returning Overseas Filipinos.
Sa 52 bagong kaso ng South Aftican variant, 41 ay mula sa have NCR, habang ang 11 kaso ay inaalam pa kung local cases o sa Returning Overseas Filipinos.
Sa nasabing bilang, isang taga-Metro Manila ang gumaling na habang ang 51 ay patuloy pang nagpapagaling.
Sa 31 naman na bagong kaso ng UK variant, 28 sa mga ito ay taga-NCR habang ang 3 ay hindi pa matukoy kung local cases o Returning Overseas Filipinos.
Lahat ng naturang kaso ay nananatiling aktibo sa ngayon.
Habang ang 42 cases with mutations of potential clinical significance, 34 sa mga ito ay mula sa Region 7, anim (6) ang mula sa NCR, at ang dalawa (2) cases ay hindi pa mabatid kung local cases o Returning Overseas Filipinos.
Twenty-two (22) sa 34 cases mula sa Region 7 ang gumaling na.
Habang aktibo pa ang kaso ng 12 iba pa mula Region 7 gayundin ang 6 na kaso mula sa NCR.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DOH at Centers for Health Development, sa Metropolitan Manila Development Authority gayundin sa Local Government Units (LGUs) sa NCR at Region 7 para mapigilan pa ang pagkalat ng virus.
Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standards sa lahat ng oras tulad ng tamang pagsuot ng face mask at face shield, at ang pagpapairal sa physical distancing.