Mga tauhan ng National Center for Mental Health, nagpapabakuna na rin sa Mandaluyong City

38
Photo Courtesy: Mandaluyong City Public Information Office Facebook Page

Nagsagawa na rin ng pagbabakuna sa kanilang mga tauhan ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Umarangkada kaninang umaga ang pagbabakuna ng Sinovac sa 100 mga medical frontliner ng National Center for Mental Health.


Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos unang binakunahan ang 4 na matataas na opisyal na sina Dr. Noel Reyes, Medical Center Chief ng NCMH Dra. Beverly Azucena, Chief Medical Professional staff Dr. Alden Cuyos, OIC ng CMPS at Dra. Teresa Del Valle, Quality Management Officer.

Paliwanag ng alkalde, bukas naman umano ay babakunahan ang 200 nilang medical frontliner.

Facebook Comments