Limang daan at walumpung panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Bunsod nito, aabot na sa 4, 066, 527 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 11,779 rito ang active cases.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na kaso na nasa 2,383 sa loob lamang ng dalawang linggo.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,179 new COVID-19 cases, Central Luzon, Western Visayas at Cagayan Valley.
Sa ngayon ay nasa 3,988,911 na ang gumaling habang 65,454 ang nasawi.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH na wala silang nakitang pagtaas sa kaso ng COVID-19 nitong nagdaang holiday season.
Facebook Comments