PNP Chief Azurin, may bwelta sa mga nananawagang magbitiw siya sa pwesto

Hinamon ni Philippine National Police o PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang grupo ng 3rd level officials na lumantad sa publiko at magpakilala.

Ito’y matapos makarating sa PNP chief ang isang open letter na nananawagan sa kaniya na gumawa ng “supreme sacrifice” sa pamamagitan ng pagbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Azurin, wala siyang nakikitang masama kung lalantad ang mga ito lalo na kung naninindigan silang inosente sa pagkakasangkot sa iligal na droga.


Ani Azurin, kasalukuyang humaharap ang organisasyon sa isang mabigat o radikal na paglilinis sa kanilang hanay at ang makikinabang naman dito ay ang mga susunod na opisyal.

Pasaring pa nito, ngayong nakapaghain na siya ng courtesy resignation, marapat lang na magsumite na rin ang iba pang matataas ng opisyal ng PNP.

Facebook Comments