Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,776 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang kabuuang kaso na ngayon ay 483,852 habang ang aktibong kaso ay 25,158 o 5.2%.
285 naman ang bagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries na ay 449,330 o 92.9%.
8 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 9,364 o 1.94%.
Nangunguna ngayon ang Bulacan sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Davao City, Quezon City, Rizal at Laguna.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang bagong kaso lamang ng COVID-19 sa hanay ng overseas Filipinos.
Ang kabuuang kaso na ngayon ay 13,018 at ang aktibong kaso ay 3,624.
Nananatili naman ang total recoveries sa 8,460 at ang total deaths ay 934.
Facebook Comments