DOH, nakapagtala ng halos 23,000 bagong COVID recoveries sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health ng 22,877 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

9,661 naman ang bagong kaso habang 145 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na ang total COVID cases sa bansa sa 989,380.


Ang aktibong kaso naman ay bumaba na sa 89,485.

Ang total recoveries naman ay umaabot na sa 883,221.

Ang total deaths naman ay 16,674.

Facebook Comments