DOH, nakapagtala ng halos 5,000 bagong COVID cases sa bansa; DFA, nakapagtala naman ng mataas na recoveries sa hanay ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID

4,933 ang naitala ng Department of Health na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na ang kabuuang COVID cases sa bansa sa 187,249.

Sa naturang bilang, 69,362 ang active cases.


436 naman ang panibagong nakarecover sa nasabing sakit kaya ang total recoveries ngayon ay 114,921.

26 naman ang panibagong namatay sa virus kaya ang total deaths ngayon ay 2,966.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs ng mataas na bilang ng recoveries sa hanay ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

58 ang panibagong nakarecover na mga Pinoy kaya ang total recoveries ngayon ay 5,927.

Wala rin uling naitalang Pinoy na binawian ng buhay sa ibayong dagat dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 733.

8 namang mga Pinoy ang panibagong na-infect ng virus sa Asya at Europe kaya ang total cases ngayon sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 9,983.

3,323 naman dito ang active cases.

Facebook Comments