NBI, inalerto ni Senator Go kaugnay sa impormasyon ng pagsira sa mga dokumento ng PhilHealth

Hiniling ni Senator Christopher Bong Go sa National Bureau of Investigation na proteksyunan ang mga dokumento ng PhilHealth at tiyakin ang integridad ng imbestigasyon ukol sa mga anomalya sa ahensya.

Giit ni Go sa mga otoridad, agad arestuhin ang sinumang magtatangka na itago o sirain ang mahalagang mga dokumento sa PhilHealth.

Tugon ito ni Go sa nakuha niyang mga balita na may nagtatangkang sirain o itago ang mga dokumento sa PhilHealth Regional Offices na posibleng maging ebidensya ng anomalya.


Inihalimbawa ni Go, ang roof leak o malakas na pagtagas ng tubig ulan sa bubong ng PhilHealth Region 1 office na ikinasira ng maraming dokumento at records.

Facebook Comments