DOH, nakapagtala ng halos 8,000 COVID-19 recoveries ngayong araw

53

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,981 na COVID-19 recoveries.

6,831 naman ang bagong kaso habang 183 ang binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,178,217 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 54,326 habang ang kabuuang recoveries na ay 1,103,945.

Ang total deaths naman ay umakyat na sa 19,946.

Facebook Comments