Priority list ng vaccination rollout, dapat masunod bago bakunahan ang mga estudyante

56

Binigyang-diin ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na dapat sundin ang priority list ng vaccination rollout.

Tugon ito ni Go sa harap ng mga panawagan na bakunahan na rin laban sa COVID-19 ang mga estudyante sa kolehiyo.


Nilinaw ni Go na gusto niya at ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng Pilipino pero dapat sundin ang priority list dahil kasama ito sa kasunduan sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Go, dapat munang sumunod ang bansa sa regulasyon ng COVAX para hindi magkaproblema ang bansa sa supply ng bakuna.

Sinabi ni Go na gusto rin niyang unti-unting makabalik sa face-to-face classes ang mga estudyante pero dapat masiguro muna na ligtas ang mga gusto at mga mag-aaral.

Dagdag ni Go, kung siya ang masusunod at sobra na ang supply ng bakuna, ipag-uutos niya ang pagbabakuna sa lahat ng sektor.



Facebook Comments