DOH, nakapagtala ng higit 18,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 18,638 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mataas ito kumpara sa 18,191 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 511,491 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 231, 658 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 13,106 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,226,032 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 53,801 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 68 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 26 habang may apat na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments