Contact tracing sa bansa, overwhelmed ng Omicron surge – Magalong

Aminado si Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nahirapan ang contact tracers ng bansa dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Magalong, nahirapan silang i-extend ang serbisyo ng 16,000 Department of the Interior and Local Government (DILG) hired contact tracers kaya umaasa tayo ngayon sa uniformed services.

Aniya, ilan din sa Local Government Units (LGUs) ang nakatuon lamang sa close contacts ng mga kasama sa bahay ng COVID-19 patients.


Kasabay nito, pinayuhan ni Magalong ang mga LGU na mag-focus sa first-generation close contacts kaysa i-trace ang second-generation contacts.

Facebook Comments