DOH, nakapagtala ng higit 2,000 karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa

78

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 2,000 karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.

Sa inilabas na datos ng DOH, sumampa na sa 429,864 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng dagdag na 2,076 ngayong araw.


Nakapagtala naman ng 10,579 new recoveries na ngayon ay aabot na sa kabuuang 389,624.

Nasa 40 naman ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw para sa kabuuang 8,373.

Sa ngayon, nasa 22,867 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umaabot naman sa 23,968 ang kabuuang bilang ng mga sumailalim sa pagsusuri ngayong araw kung saan 1,473 ang nagpositibo.




Facebook Comments