Naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang nasa 2,227 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Dahil dito, nasa 21,101 na ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Mayroon naman naitalang 3,152 na gumaling kung saan ang kabuuang bilang nito ay nasa 2,758,235.
Nasa 175 ang nadagdag sa mga pumanaw at ang pinaka-total nito sa ngayon ay nasa 47,074.
Ayon sa pinakahuling ulat, may dalawang mga laboratoryo ang hindi operational noong November 19, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo rin ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na nasuri at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.