ANTONG FALLS, MULING BUBUKSAN PARA SA MGA RESIDENTE NG SISON LAMANG

SISON, PANGASINAN – Binuksan nang muli ang Antong Falls nito lamang ika-19 ng Nobyembre kung saan matatagpuan ito sa Bayan ng Sison ngunit eklusibo lamang para sa mga residente nito sa bayan.

Ilan sa mga polisiyang dapat sundin ng mga residente ay dapat lahat ng bibisita dito ay fully vaccinated at labing walong gulang pataas, ang tourist spot ay limitado lamang sa isang daang katao.

Bawal ang pagluluto, at pag-inom ng alak sa nasabing lugar kung saan mahigpit na ipatutupad ang anti-littering.


Samantala, pinapayuhan ang mga bibisita sa talon na obserbahan ang minimum public health standards.###

Facebook Comments