DOH, nakapagtala ng higit 2,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 2,730 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 3,050 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,508,239 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 76,609 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 7,456 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 508,239 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,094 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 164 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 12 habang may dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments