Presyo ng produktong petrolyo, muling magtataas bukas

Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo bukas, Pebrero 15 kung saan ito na ang ika-7 sunod na linggong nagmahal ang langis.

Magtataas ang Caltex, Shell, Seaoil ng ₱1.20 sa kada litro ng gasolina habang ₱1.05 naman sa kada litro ng diesel, at ₱0.65 sa kada litro ng kerosene.

Dahil dito ay nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Gabriela ngayong araw sa may Philcoa, Quezon City.


Nanawagan ang grupo sa pamahalaan na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin, na apektado sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Facebook Comments