DOH, nakapagtala ng higit 6,000 gumaling sa COVID-19 ngayong araw

31

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,337 na gumaling sa COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 1,512,263 ang kabuuang recoveries.


Habang aabot sa 6,879 ang bagong kaso ng COVID-19 kaya’t umakyat pa sa 63,137 ang bilang ng aktibong kaso.

Sa kabuuan, nasa 1,612,541 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Nadagdagan naman ng 48 ang bilang ng mga nasawi dahilan para umabot sa 28,141 ang total na bilang ng binawian ng buhay.

Facebook Comments