Hidilyn Diaz, hindi pa sigurado kung sasabak ulit sa Olympic Games sa Paris sa 2024

66

Hindi pa sigurado ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz kung sasabak muli siya sa Olympic Games sa darating na 2024 na gaganapin sa Paris, France.

Ayon sa Pinay weightlifter, tinitignan pa niya kung kakayanin pa ng kaniyang katawan dahil dalawang taon pa ang lilipas bago ang kompetisyon.


Pero inamin niyang balak niyang maglaro sa World Championship sa Disyembre at ilan pang laro na gaganapin sa susunod na taon.

Sa ngayon, busy pa siya sa mga interview at ilang aktibidad matapos masungkit ang gintong medalya.

Facebook Comments